Friday , November 22 2024

Isko aariba na: P90-bilyong kita ng Maynila kukunin sa Customs

MAYNILA ang magiging pinaka­mayamang lungsod. 

Binigyang diin ito Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagharap sa isang business forum sa Manila Polo Club.

Sinabi ni Moreno, makakukuha ng kita ang city government mula sa Bureau of Customs, na aabot sa P90-bilyon sa mga susunod na taon.

Binanggit ni Moreno ang 2018 Supreme Court ruling na dapat ay may share ang city govern­ment sa tax na nakukuha ng BoC dahil nasa lung­sod ito ng Maynila.

“It’s a Supreme Court decision with finality. So mayroon na kaming kita sa port operation. And, remem­ber, marami ka­ming port,” ani Moreno.

Matatandaan, taong 2017 nang lumabas ang report ng Commission on Audit (COA) na nau­ngusan ng Makati ang Quezon City.

Sinabi ni Moreno, umaasa siya na darami pa ang tunay na mamu­muhunan sa Maynila.

Aniya, ”yayaman ang lungsod.”

Paniniyak ni Moreno hindi lamang ito panga­rap dahil batay ito sa katotohanan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *