Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

Tulak na mommy nagtago ng shabu sa medyas ni baby

INARESTO ang isang ina sa Maynila nang mahuling ginagamit ang kaniyang sanggol upang itago ang shabu na kaniyang ibenebenta.

Kinilala ang suspek na si Annaliza Aligado.

Naging emosyonal pa si Aligado, yakap-yakap ang kaniyang tatlong buwang sanggol, nang dalhin ng mga opisyal ng Barangay 108, Zone 9, Tondo sa tanggapan ng Manila Police District.

Pahayag ng isang barangay kagawad, ma­ta­gal nang nakatimbre sa kanila ang pagtutulak ng suspek.

Naaktohan umano ng mga tauhan ng bara­ngay na nakikipag­transaksiyon ang suspek kasama ang kanyang sanggol sa C-2 Capulong Rd., Barangay 108 ngunit nakatakas ang kanyang parokyano

Pahayag ng isang barangay tanod, sa medyas ng sanggol itina­go ng suspect ang isang sachet ng hinihinalang shabu, at nabisto ito nang kapain ng mga awtoridad ang medyas ng bata.

Inihahanda ang patong-patong na kaso ng ilegal na droga at pagpapabaya at pang-aabuso sa sariling anak laban sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …