Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipinahuli ng live-in partner dahil sa sex video… Koreano naglaslas ng pulso sa piskalya

NILASLAS ng isang Korean national ang sariling pulso habang isinasailalim sa inquest proceedings batay sa reklamo ng kanyang kinakasamang Pinay dahil sa pagpo-post ng kanilang sex video sa Caloocan City, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Xiwoo Kwak, 40 anyos, ng Hobart Village, Don Ramon St., Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City at nahaha­rap sa kasong paglabag sa anti-voyeurism law, alarm and scandal at resistance and disobe­dience to persons in authority.

Dakong 3:00 pm, ineskortan ng mga pulis na isang P/Cpl. Qui­nones at P/Cpl. Moneset ang Koreano patungo sa Caloocan Judicial Hall  na matatagpuan sa 10th Avenue, Brgy. 15, para sa inquest proceedings.

Nang lalagdaan ni Kwak ang inquest form sa ikatlong palapag ng judicial building bigla umanong nabalisa ang suspek at parang dalag na nagpipiglas na naka­tawag sa atensiyon ng mga tao sa paligid.

Tinangkang payapain ng mga pulis si Kwak ngunit nakadampot ng basag na tiles na kanyang ginamit para para mag­las­las ng pulso kaya’t itinakbo sa Caloocan City Medical Center (CCMC) para magamot.

Patuloy na humihingi ng patawad ang suspek sa kinakasamang Filipi­na habang nakapiit sa Caloocan Police deten­tion cell.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …