BISYO na ‘to!
‘Yan ang reklamo ng mga motorista na dumaraan diyan sa Arnaiz at Evangelista streets sa Makati City laban sa traffic enforcers na nakatalaga riyan sa area na ‘yan.
Alam po ba ninyo kung bakit?!
Aba, imbes magmando ng trapiko para hindi nagkakamali ang mga motorista lalo na ‘yung mga hindi kabisado ang mga kalye sa Makati, ang ginagawa ng traffic enforcers sa nasabing area, hinahayaan silang magkamali.
At kapag nagkamali, hayan na, lalabas na ang mga ‘kamote’ saka kakawayan ang nagkamaling motorista.
Siyempre magkakaroon ng paliwanagan at negosasyon hanggang mauwi sa… ahem… alam n’yo na.
Saan naman kayo nakakita na every 20 minutes ay may huli ang nasabing traffic enforcers kung hindi ba naman talagang sinasadyang manalakab ng mga motorista?!
Hindi po ito kailan lang o bago lang. Matagal na itong ‘bisyo’ ng traffic enforcers na ‘yan sa Makati.
Mukhang ang gusto ng traffic enforcers diyan sa Arnaiz at Evangelista streets ‘e bantayan pa sila ni NCRPO chief, P/MGen. Guillermo Eleazar bago magtino.
Pakisampolan na nga po, Sir!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap