Saturday , November 16 2024

Medical aircraft bumagsak, 9 pasahero patay 2 resorts nawasak

HINDI nakaligtas sa kama­tayan ang siyam kataong sakay ng isang BE350 medical evacuation aircraft nang bumagsak sa lungsod ng Calamba, Laguna nitong Linggo ng hapon, 1 Setyem­bre, na tumama at puminsala sa dalawang resort sa lugar.

Kinompirma ni Calamba City Mayor Justin Chipeco na isang maliit na eroplano ang bumagsak sa lungsod dakong 3:30 pm.

Iniulat na mula sa Dipolog Airport sa Zamboanga del Norte ang eroplano.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nawalan ng radar contact dakong 3:10 pm ang eroplano habang nasa himpapawid palapit sa Maynila.

Ayon kay Jeffrey Rodriguez, pinuno ng Public Order and Safety Office ng lungsod, bumagsak ang eroplano sa Miramonte Subdivision sa Barangay Pansol, kilalang lokasyon ng mga pribadong hotspring resort.

Dagdag ni Rodriguez, dumating ang Bureau of Fire dahil sa apoy na nagmula sa bumagsak na eroplano

Nabatid na nakaligtas mula sa sakuna ang isang caretaker ng resort ngunit may isang batang naiwan sa loob.

Nailigtas ng mga awto­ridad ang batang naiwan na tumalon umano sa swimming pool upang makaiwas sa eroplano.

Noong Sabado, isa pang eroplano ang bumagsak sa bayan ng Nasugbu, sa lalawigan ng Batangas, pero nailigtas ng mga mangi­ngisda ang dalawang piloto nito.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *