Monday , December 23 2024

Takas na rapist at kidnaper, naibalik sa piitan ni QCJ Warden Quita

ANG 27 Hulyo 2019, ay araw na hindi malilimutan ni dating Quezon City Jail Warden, J/Supt. Fermin Enriquez. Bakit? Sa araw na ito kasi, siya ay natakasan ng dalawang preso.

Hindi basta-basta o small time ang mga takas kung hindi nahaharap ang dalawa sa kasong rape, kidnapping at iba pa. Ang tumakas na sina Mamerto Vanzuela at Dennis Valdez ay pawang sentensiyado rin sa iba pa nilang kaso.

Si Vanzuela ay nakulong sa panggagahasa ng isang 13-anyos. Ibig sabihin nasa ‘laya’ si Vanzuela, nasa peligro ang mga kababa­ihan. Bakit?

Aba’y isang sentensiyadong rapist ba naman ang gumagala. Hindi ba nakatatakot ‘yan? Oo sentensiyado nang habambuhay na pag­kabilanggo matapos mahatulan sa kasong rape.

Habang si Valdez ay isa rin sentensiyado sa kasong carnapping. Siya ay lider ng isang carnap gang. Siya ay sentensiyado rin sa mga kasong band robbery, at illegal possession of firearms. Bukod sa nahaharap pa ito ng kasong kidnap for ransom.

Anyway, sa pangyayaring – natakasan si Enriquez, siyempre ano pa nga ba ang ‘reward’ na makukuha ng dating warden kung hindi ‘palakol.’ Sinibak siya bilang Warden. Oo, sandali pa lamang siyang nauupo – anim na buwan yata. Hayun, sibak na ang mama.

Ang masaklap, nasibak siya na hindi man lang niya nagawang maibalik sa kulungan ang dalawang takas.

8 Agosto 2019, nang palitan ni J/Supt. Severino Quita si Enriquez  bilang Warden ng QC Jail.

Masasabing hindi nagkamali sina Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief, J/Dir. Gen. Allan Iral at BJMP National Capital Regional Office (NCRO) chief, J/Chief  Supt. Ignacio Panti, sa pagtatalaga kay Quita bilang bagong Warden ng QC Jail.

Hindi nagkamali sina Iral at Panti kay Quita dahil makalipas ang dalawang araw nang maupo si Quita, aba’y nagawa niyang maalis ang pangamba ng taong bayan kaugnay sa dalawang gumagalang takas na kriminal.

10 Agosto 2019,  matapos makakuha ng impormasyon ang opisina ni Quita na namataan ang dalawang takas sa Baler, Aurora, hindi na nagsayang ng oras ang bagong Warden. Agad niyang pinakilos ang kanyang mga tauhan kasama ang suporta ng Star Team (elite force ng BJMP) para sa ikadarakip nina Vanzuela at Valdez.

Sa Baler, matapos na makipag-coordinate ang tropa ni Quita sa Baler Police at BJMP Baler, at positibong kinilala ang dalawang takas, dinakip sina Vanzuela at Valdez habang nangingisda.

Hindi tubong Baler ang dalawang takas kung hindi, doon sila dumeretso at nagtago.

Ngayon, balik kulungan na ang dalawang takas na malamang ikinatutuwa ng pamilya ng biktima ng panggagahasa ni Vanzuela at maging ng mga nabiktima ng sindikato ni Valdez.

Ayon kay Quita, kanya nang ibiniyahe sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa sina Vanzuela at Valdez dahil sentensiyado na ang dalawa.

At dahil naman sa pangyayari, pinaigting ni Quita ang seguridad ng piitan na ipinagkatiwala sa kanyang para maiwasan na o hindi na sila malusutan o matakasan. Kasama rin sa kanyang direktiba ang pagsuporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Uli, Dir. Gen. Iral at C/Supt. Panti, talagang hindi kayo nagkamali sa pagtalaga kay Quita.

“Quitang-Quita” naman natin kung paano magtrabaho si Quita.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *