Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Lalaki nahuling nagnanakaw… Jesuit volunteer na titser patay sa saksak, abogada sugatan

PATAY ang isang babaeng gurong Jesuit volunteer habang malubhang nasugutan ang kasa­mang abogado nang paulit-ulit silang sak­sakin ng lalaking nahuli nilang nagnanakaw sa loob ng kanilang tinitirahang kubo sa bayan ng Pangantucan, lalawigan ng Bukidnon nitong Biyernes ng gabi, 23 Agosto.

Kinilala ni P/SSgt. Michael Villasan ng Pangantucan police ang biktimang si Genifer Buckly, 24 anyos, mula sa bayan ng Guipos, Zambaonga del Sur, na agad namatay sanhi ng mga saksak sa kaniyang dibdib at tiyan.

Samantala, nasa ospital ang kasamahan ng napaslang na biktimang si Ann Kathleen Gatdula, 30 anyos, isang abogada mula sa lungsod ng Quezon, na nasaksak sa kaniyang tiyan at balikat.

Bahagi ng Jesuit Volunteers Program (JVP) sina Buckly at Gatdula bilang mga guro sa Pangantucan Community High School na pinamamahalaan ng mga Heswita.

Ayon kay Villasan, nadakip na ng pulisya ang suspek na kinilalang si Arnold Naguilla, 36 anyos, residente sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nabatid na nilooban ni Naguilla ang kubo ng dalawang biktima at pinagsa­samsam ang mga kagamitan nila.

Nang mahuli ng dalawang boluntaryong guro, pinag-uundayan sila saksak ng suspek na naging sanhi ng kamatayan ni Buckly.

Sinubukan tumakas ng suspek ngunit namukhaan siya ng mga nakasaksi na siyang tumatakbo palabas ng kubo ng dalawang biktima.

Dinala ng mga atworidad ang suspek sa pagamutan upang kilalanin ni Gatdula ngunit hindi niya ito matingnan nang personal dahil sa labis na ‘trauma’ sa sinapit.

Sa halip ay nagpaguhit ng sketch si Villasin at ipinakita kay Gatdula na positibo niyang kinilala na nakita nilang nagnanakaw ng kanilang mga kagamitan.

Umaasa ang pulisya sa agarang paggaling ni Gatdula upang personal na matukoy si Naguilla bilang salarin.

Nagtapos ang napaslang na si Buckly ng Secondary Education sa Ateneo de Zamboanga University sa lungsod ng Zamboanga at bahagi ng misyon ng JVP.

Inihatid ng kaniyang mga kasamahan sa JVP ang labi ni Buckly pauwi sa lungsod ng Zam­boanga noong Sabado, 24 Agosto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …