Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P19.5-M pinsala ni Ineng naitala sa Ilocos Norte

UMABOT sa P19.5 milyon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Ineng.

Isinialalim nitong Sabado, 24 Agosto, ang lalawigan sa ‘state of calamity’ matapos mag-iwan ang malakas na ulan ng dalawang patay, lubog na sakahan at taniman, at mga bakang nagkalunod sa baha.

Ayon kay Mar­cell Tabije, pinuno ng Ilocos Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nanga­ngailangan ang lalawigan ngayon ng mga butong pananim, abono, at mga hayop upang matulungan ang mga magsasaka na makapagsimula muli.

Ani Tabije, pra­yoridad nila ang rehabilitasyon ng agri areas na napinsala ng bagyo at matulungang makabangon muli ang mga magsasakang apektado ng pananalasa ng bagyo.

Inaasahang uuwi sa kanilang mga bahay kahapon, araw ng Linggo, ang 559 residenteng nasa evacuation centers dahil nagsimula nang humupa ang baha.

Umalis sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ineng noong Sabado ng gabi, 24 Agosto, ngunit inaasahan ang isa pang bagyong papasok sa bansa sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …