Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apela sa Ombudsman: Final verdict vs Gov. Umali ipinalalabas

NANAWAGAN sa Of­fice of the Ombudsman ang pangunahing nag­reklamo para mahatulan ng habambuhay na dis­kalipikasyon si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na maglabas ng certificate of finality sa naging desisyon ng anti-graft body noong 14 Nobyembre 2016.

Sa kanyang dala­wang-pahinang sulat sa Ombudsman, sinabi ni Edward Thomas F. Joson na batay sa resulta ng imbestigasyon ng Om­budsman, napatunayang guilty si Umali sa grave misconduct, gross negligence of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sinabi ni Joson na hinatulan din si Umali at ang dating Agriculture director ng lalawigan na si Renato Manantan ng pagkadismis sa serbisyo, pagtanggal ng lahat ng benepisyo, at pinagba­walan na rin silang makapanungkulan sa gobyerno sa kahit anong posisyon habambuhay.

Katunayan, inatasan na rin umano ng Om­buds­man ang DILG na isilbi ang kanilang order at alisin sa puwesto si Umali matapos mapa­tunayan sa imbestigasyon ang maanomalyang pag­bili nito ng liquid fertilizer na nagkakahalaga ng P12 milyon noong siya ay congressman pa lamang.

Lumitaw sa imbes­tigasyon ng Ombudsman na P150 lamang ang halaga ng isang botelya ng liquid fertilizer ngunit binayaran ng P1,500 bawat isa ang mahigit 7,920 umabot sa P12 mil­yon gamit ang pork barrel ni Umali noong siya ay congressman pa lamang.

Sa pamamagitan ng paglalabas ng certificate of final decision, maba­balewala ang certificate of candidacy ni Umali na isinumite sa Comelec nang kumandidatong gobernador noong May 2019.

“Premises con­sidered, it is respectfully requested of your honor that a certificate of finality be issued for the decision dated 14 November 2016 in OMB-C-A-15-026,” mariin pero magalang na hiling sa huling bahagi ng liham ni Joson.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …