Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheree, hahataw sa tatlong shows sa Amerika!

MAGPAPATIKIM ng kanyang talento si Sheree sa tatlong shows sa Amerika ngayong September. First ay sa Una Mas Bamboo na tampok si Bamboo na gaganapin sa September 6, 9PM sa Rio Cantina Club, Sterling Virginia, USA. Bukod kay Sheree, kabilang sa guests ni Bamboo sa show ang Friction Live, Artificial Cliche, Bridal Tragedy, Cimmonti, Beyond Oceans, Jay, Malen, Maggie, Raquel Arellano at Francois.

Para sa tickets sales, pls. contact 571-552-1387 Florence, 703-989-6221 Niko, 703-951-2487 Shiha, 202-257-1508 David, at 703-615-0190 Malen. Sunod ay sa Sept. 8 sa Matthew’s Grill na tampok si Sheree. Ito’y sa ganap na 7pm at ang venue ay sa #213 Muddy Branch road, Gaithersburg md 20878. Para sa tickets, pls call Anabelle Casero-2408936581, June Panlaqui -7032200034, at Joseph Bautista.

Plus, pangungunahan din ng super-seksing Viva Hot Babe ang show na pinamagatang Musika at Sining With Shree Bautista na gaganapin sa Sept. 13, 8:30 pm sa D’ Haven 58-02 37th Ave., Woodside, New York 11377.

Dito’y magkahalong entertainment at art exhibit ang matutunghayan, kasama na ang ilang paintings na gawa mismo ni Sheree.

Si Sheree ay nag-i-enjoy kapag naipa­mamalas niya ang kanyang first love, which is singing talaga. Kaya naman nakapaglabas na si Sheree ng tatlong single na kaindak-indak. Sa pagkakaalam ko ay gagawin niya itong isang compilation album.

Anyway, patuloy na napapanood si Sheree sa seryeng Kadenang Ginto na pinagbibidahan nina Francine Diaz, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Andrea Brillantes, at iba pa. Ayon sa aktres, maraming dapat abangan sa mga susunod na eksena sa kanilang seryeng ito sa ABS CBN.

“Ang mga eskena ko lately, more on kay Daniela (Dimples), madalas kong makaka-eksena si Dimples this time. And, nakakaloka ang mga next na mga eksena na dapat talagang abangan. As in maloloka lalo ang viewers, malala ang mga magaganap, iyon lang ang masasabi ko,” nakangiting wika ng aktres.

Dagdag ni Sheree, “Super-enjoy ako sa set, sobrang sa­rap katrabaho ang lahat dito. Kaya I feel very-very lucky to be part of this show. Sana patuloy na subaybayan ng viewers para umabot kami nang five years, parang Ang Probinsyano.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …