Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenken Nuyad, wish sundan ang yapak ni Niño Muhlach

WISH ng award-winning child actor na si Kenken Nuyad na sundan ang yapak ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach. Bilib daw kasi siya kay Niño dahil maraming pinagbidahang pelikula at nakasama ang mga pinakasikat na mga artista noon.

“Kasi po ang galing niyang artista noong bata pa siya at siya ang original na Child Wonder… Gusto ko po sana siyang makausap in person at hihingi ng advice sa kanya, kaso mayaman po siya, baka hindi niya po ako papansinin,” esplika ni Kenken.

Dagdag niya, “Hindi po ba, nakasama niya noon sina Mang Dolphy, FPJ at kung sino-sino pa po? Maging sa comedy man o drama at action ang galing po ni Niño, nakakatuwa siya. Kasi po napapanood ko siya sa TV, ‘yung mga palabas niya noon.”

Si Kenken ay 11 years old, Grade 6 sa Kasiglahan Village Elementary School at tulad ng maraming taga-showbiz ay home study ang sistema ng pag-aaral.

Isa siya sa bida sa indie film na pinama­gatang The Fate ni Direk Rey Coloma. Mula sa Star Films Entertainment Productions ni Ms. Elenita Tamisin, tampok din dito sina Kelvin Miranda at Elaiza Jane.

Ang The Fate ay kuwen­to ng magka­patid na hindi mapaghiwalay na sina Karl (Kelvin) at Eric (Kenken), na nagsisikap mabuhay sa sarili pagkamatay ng kanilang ama. Sa pag-iwan ng ina noong bata pa sila, tumira si Karl kasama ang maliit na kapatid na si Eric sa lansangan at nabubuhay sila sa pagbebenta ng mga plastik at bote. Ang video ni Karl na kumakanta ay naging viral na naging daan sa pagkakilala nila ni Eloisa (Elaiza). Ang kanilang relasyon ay hahantong sa mga hindi inaasahang pangyayari na magpapabago sa kanilang buhay.

Tampok din sa The Fate sina Akihiro Blanco, Gaye Piccio, John Matthew Uy, Lewis Simpson, Gab Lopez bilang Lindo, Cris Bacula, Atheena Santamaria, JC Montecarlo, Jethany Miranda, at Ryan Arizala. Introducing sina Aaron Concepcion at Ejay Fontanilla, with the special participation ni Christian Vasquez.

Ang pelikula ay may premiere night sa August 25, 2019 sa SM Megamall, Cinema 4, 8pm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …