Thursday , December 26 2024

49 Navotas inmates nagtapos sa ALS

UMABOT sa 49 inmates sa Navotas City Jail ang mapalad na nakakuha ng diploma sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS)  na ang 15  sa kanila ay nagtapos sa elementarya at 34 ang nagtapos sa high school.

Sa  talumpati ni Mayor Toby Tiangco sa harap ng inmates, kanyang  hini­ka­yat ang mga nagsi­pag­tapos na ipagpatuloy ang magandang gawain at magsikap na matuto ng bagong kasa-nayan.

“Iwasan ninyong ma-sang­kot sa droga at iba pang masasamang aktibi­dad. Gawin ninyong pro­duktibo at makabuluhan ang panahong inilalagi ninyo rito,” payo niya.

“Mag-aral kayo ng bagong kasanayan at pag­handaan ninyo ang inyong paglaya. Sa araw na iyon, dapat handa na kayong gumawa ng bago at mas magandang buhay para sa inyong sarili at sa inyong pamilya,” dagdag niya.

Ani Tiangco, kapag nakalaya na sila, maaari silang kumuha ng mga libreng training sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute o mag-aral sa Navotas Polytechnic College.

Ang NAVOTAAS Ins­titute ay naghahandog ng mga kursong tulad ng Food and Beverage Services NC II, Cookery NC II, Barista NC II, Hilot (Wellness Mas­sage), at Massage Therapy NC II. Kasama rin dito ang Contact Center Services NC II, Housekeeping NC II, Bread and Pastry Pro­duction NC II, Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Shielded Metal Arc Welding NC II, at iba pa.

Samantala, libreng edu­kasyon ang handog ng Navotas Polytechnic Co-llege sa mga Navoteño na gustong magkaroon ng bachelor’s degree.

“Libreng mag-aral. Sulitin ninyo ang mga programa o proyektong maihahandog ng ating lungsod sa inyo,” hikayat ng alkalde. Kasama sa mga dumalo sa graduation ceremony sina Navotas City Jail warden JCInsp. Atty. Ricky Heart Pegalan at OIC-Schools Division Superin­tendent Dr. Meliton Zurbano.

(Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *