HINDI bababa sa 120 empleyadong Chinese nationals ng isang coal-fired power plant ang tinamaan ng dengue virus sa bayan ng Mariveles, sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Godofredo Galicia, Jr., chairman ng committee on health ng Bataan provincial board, dinala sa pagamutan ang mga apektadong Tsino upang malapatan ng lunas.
Nabatid na nagtatrabaho ang mga nasabing dayuhan sa GN Power Coal-Fired power plant na matatagpuan sa Barangay Alas-asin.
Hindi binanggit ni Galicia kung kailan at paano nagkaroon ng dengue ang mga trabahador na Tsino.
Dagdag ni Galicia, bukod sa mga apektadong trabahador na Tsino, naitala rin ang 278 kaso ng dengue sa bayan ng Mariveles ngayong taon.
Noong isang linggo, iniulat ni Bataan provincial health officer Dr. Rosanna Buccahan na bumaba nang 30 porsiyento ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon kaysa noong nakaraang taon.