DIRINGGIN sa araw na ito sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang nangyari sa karera na napanood ng bayang karerista na kung saan ay pumangalawa lamang sa datingan pagsapit sa meta ng kabayong si Raxa Bago na sinakyan ni apprentice rider Fermin Serios Parlocha na naganap nung nakaraang Miyerkoles (Agosto 14, 2019) sa karerahan ng Santa Ana Park. Dadalo rin sa pandinig ang registered owner ng nabanggit na kabayo na si Ginang Marisa L. Sordan at asawa niyang trainer na si Ginoong Donny S. Sordan, mga miyembro ng PRCI Board Of Stewards at ilang opisyales ng Jockeys Association sa pangunguna ng kanilang presidente na si Ginoong Redentor De Leon. Kaya habang wala pang resulta ay maging mahinahon lamang muna ang lahat at abangan natin ang kalalabasan ng moto-propio na iyan sa PHILRACOM.
Base naman sa latest update (survey) mula sa mga grupo ng karerista sa social media ay marami ang umaasa na mabawasan sana ang naibigay na parusa sa baguhang mananakay na si Parlocha, na kahit nakitaan pa ng hindi katanggap-tanggap na pagdadala ay mapagbigyan dahil siya’y sumunod lamang sa naging utos sa kanya. Trainer man o hinete na gumagapang sa kapwa nila hinete upang makayari sa karera at makagawa ng kung ano-ano man para sa pansariling interes, maliwanag na panloloko at pambababoy ang kanilang ginagawa sa industriya ng karera. Ang tanging pinakahahangad lamang ng bayang karerista sa pagdinig na gagawin ay magsabi ng buong katotohanan sa imbestigasyon kung sino o sino-sino ang nag-utos sa kanya (Parlocha) gaya ng lumabas na mensahe niya sa ilang kaibigan na nai-post sa social media upang gumaan ang kanyang kalooban at maging ehemplo na totoong may mga nagpapabiyahe (nagpapatalo) sa industriya ng karera.
Habol pa ng ilang mga beteranong klasmeyts natin na nawa’y maging ugat rin siya (Parlocha) ng paunti-unting pagbabago sa usaping karera. Ang malupit na komento sa social media ay mapatawan din ang trainer dahil iyan lamang ang sinusunod nila pagdating sa order o instruction/s kung ano ang gagawin sa oras ng takbuhan. Anyway, mataimtim na panalangin na lamang at harinawa’y lumabas nga ang buong katotohanan sa kasong iyan.
REKTA’s GUIDE (Santa Ana Park/6:30PM) :
Race-1 : (7) WINDY STAR, (9) KAYESSPEE, (4) SIMPLY BELIEVE, (1) PEARLESCENCE.
Race-2 : (4) PRINCE POPEYE, (5) BUENOS AIRES, (3) GENSAN SPECIAL.
Race-3 : (4) SPUNK ATTACK, (7) EXHILARATED, (6) KICKBACK.
Race-4 : (4) TOOL OF CHOICE, (3) BATTLE CHACHA, (1) ZAPIMA.
Race-5 : (2) WESSFACCKOL, (1) RICHARD, (6) DATU LAGO.
Race-6 : (4) ACE UP, (2) CONSTITUTION, (1) HALO WANDER.
Race-7 : (2) HIGH QUALITY, (7) PLAY IT SAFE, (5) PALOS.
REKTA
ni Fred Magno