Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

P51-M shabu lumutang sa N. Samar

NATAGPUAN ng isang lokal na mangingisda ang higit sa P51 milyong halaga ng hinihi­nalang shabu sa karagatan ng bayan ng Biri, sa lalawigan ng Northern Samar nitong Sabado, 10 Agosto.

Nakita umano ng mangi­ngisda habang naglalayag ang mga plastic bag na nag­la­laman ng puting ‘crystalline substance’ na hinihinalang shabu.

Ayon kay P/Brig. Gen. Dionardo Carlos, direktor ng Eastern Visayas regional police, agad isinuko ng mangingisda sa mga awto­ridad ang natagpuang droga.

Nabatid na nakita ng mangingisda ang tatlong plastic bag sa karagatan ng  ng Sitio Pagul sa Barangay Pio del Pilar, sa naturang bayan na ang dalawa ay selyado at tumitim­bang ng dalawang kilo bawat isa, habang ang ikaapat na plastic bag ay bukas na at tumitimbang ng 1.5 kilo.

Tinatayang ang halaga ng kabuuang 7.5 kilo ng hinihinalang shabu ay aabot sa P51 milyon.

Ipinadala na ang sample ng hinihinalang shabu sa Crime Laboratory upang matukoy kung totoong shabu habang ang iba ay nasa pag-iingat ng mga awtoridad bilang ebidensiya.

Unang pagkakataon itong may makuhang shabu sa coastal area ng lalawigan ng Northern Samar.

Naitalang simula noong Pebrero nang nakaraang taon, ilang bloke ng cocaine ang natagpuang nakalu­tang sa mga karagatan ng Lu­zon, Visayas, at Min­danao.

Pinaniniwalaang bahagi ang mga cocaine sa karga­mentong dadalhin sana sa bansang Australian.

Ayon kay Carlos, nag­sa­sagawa na sila ng pag­sisiyasat upang matukoy ang pinagmulan ng shabu na natag­puan sa Northern Samar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …