LAST week ay nagpahayag na naman ang Commission on Elections (Comelec) through their spokesperson James Jimenez na bukas na naman ang voters registration mula 1 Agosto hanggang 30 Setyembre.
E trabaho naman talaga ‘yan ng Comelec, magsinop ng talaan ng mga botante. Okey ‘yan para sa maagap na pagsasaayos ng voters list.
Pero ang gusto natin itanong, naibigay na ba nila ang Comelec voter’s ID na ilang taon na nilang backlog?!
Kung hindi pa at laging voter’s registration affidavit (lang) ang naibibigay nila, saan napunta ang pondo para sa nasabing mga ID?!
Ilang taon na ba ‘yang backlog ninyo Mr. James Jimenez?! Ilang eleksiyon na ang nagdaan?!
Kung wala naman kayong balak na magbigay pa ng ID, puwede bang ipaliwanag ninyo kung saan napunta ang budget para riyan?!
Hindi na kami magtataka kung ang ituro ninyong may kasalanan niyan ay si dating Comelec chairman Juan Andres Bautista.
Nakapagtataka pa ba kung sabihin ninyong kasamang sumalipawpaw ni ex-chairman Bautista ang pondo para riyan sa Comelec ID?!
Hik hik hik…
Dapat na siguro kayong maglinaw Mr. James, mag-iisyu pa ba kayo ng ID o iaasa na lang ninyo sa national ID system?!
Paki-explain na nga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap