Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tindahan ng smuggled gadgets sa Binondo nilusob 15 Tsekwa dinakma

SINALAKAY ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BoC-IG) ang ilang establisimiyento sa Binondo, Maynila na nag­ti­tinda ng pinanini­wala­ang puslit na electronic products.

Bitbit ang Letter of Authority (LOA) No. 07-31-152-2019, sinalakay ng pinagsanib na puwer­sa ng BoC Customs Intelligence and Inves­tigation Service (CIIS), Intellectual Property Rights Division (IPRD), Armed Forces of the Philippines Joint Task Force (AFPJTF) – National Capital Region (NCR) at  Philippine Coast Guard (PCG), nasamsam ang electronic devices gaya ng  Apple iPhones, iPads, Mi Brand at Samsung devices.

Ang pagpapalabas ng LOA ay alinsunod sa Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Nag-ugat ang ope­rasyon sa nakalap na impormasyon mula sa mahigit isang buwan pagmamatyag at survel­laince na isinagawa ng BoC-IG.

Binigyan hanggang 14 Agosto 2019 ang mga may-ari ng establisi­miyento na makapag­presenta ng ebidensiya ng pagbabayad ng buwis sa mga imported goods na kanilang ibinibenta.

Nadiskubre rin sa pagsalakay ang 15 undocumented Chinese nationals na ini-turnover sa Bureau of Immigration (BI) para sa docu­menta­tion at processing.

Ayon sa BI, nagta­trabaho ang mga dayu­han sa bansa na walang permit at pawang mga turista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …