Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
isko moreno smile

Masungit na public servant bawal — Isko Magbitiw sa puwesto

PINAGBIBITIW ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang public health workers na nagsusungit sa mga pasyente matapos makatanggap ng ilang reklamo.

Sa report niya sa “The Capital Report” nitong 2 Agosto, sinabi ni Moreno, marami na siyang nata­tanggap na reklamo laban sa frontliners sa health centers.

“Kung hindi na kayo masaya sa trabaho n’yo dahil kayo’y masungit na kinakaharap ‘yung mga may sakit, kaya kayo’y nagsusungit dahil pagod na kayo, kaya kayo’y nagsusungit dahil ‘di na kayo masaya sa ginagawa n’yo, pwede naman kayong magpaalam,” ani Moreno.

Iginiit ni Moreno, mahirap maging mahi­rap, at masakit sa mahihi­rap na pasyente na pakiharapan ng mga taong inaakala nilang makatutulong sa kanila pero nagsusungit sa kanila.

Malaking bagay ang bawat ngiti at asikaso ng health workers upang maibsan ang kanilang nararamdamang sakit.

Alam din daw ng alkalde ang hirap ng health workers sa mga pampublikong ospital. Pero binigyang-diin na ito ay sinumpaang tungku­lin.

“Totoong nakapa­pagod, Diyos ko nakapa­pagod… pero pinasok natin ito. This is public service e. Ano ba naman ang kaunting ngiti?” dagdag ng alkalde.

Samantala, sa tulong ng vice mayor na si Vice Mayor Honey Lacuna, inirekomenda nila ang P9.5 milyong pondo para sa ilang ospital ng Maynila.

“[Ito ay] pera ng taong bayan upang ipam­bili ng (pang) karag­dagang gamot at supplies sa lahat ng   ospital natin… so, sa ating mga direktor… I hope magamit n’yo para sa panganga­ilangan ng ating mahi­hirap na kababayan,” ani Moreno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …