Friday , August 22 2025
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Iskoba sa Maynila isa nang epidemya!

PUWEDE na natin tawaging Iskoba (Isko-Bagong Anyo) Epedemic ang inumpisahang pagbabagong estilo ni Manila Mayor Isko Moreno mula nang maupo bilang alkalde ng Maynila na itinuturing na puso ng Metro Manila at kapitolyo ng Filipinas.

Ipinamalas ni Yorme kois ang tinatawag na lideratong walang sinasanto maging ang mga nasagasaan ng kanyang direktiba ay kakampi o sumuporta sa kanya noong eleksiyon. Ang importante ayon kay Yorme kois ay maibalik ang ningning ng kamaynilaaan at maging halim­bawa ito para sa susunod pang henerasyon ng mamamayan ng Maynila.

 

Marami na ang nahawa ng Iskoba

Nagluwag na rin ang mga kalsada at lumitaw na ang mga bangketa mula sa Baclaran hanggang Obando, Bulacan at maging ang Quezon City ay nag-umpisa nang maggiba ng mga karatula na sumasakop sa bangketa at ipina-towing ang mga nakaparadang sasakyan sa mga pangunahing kalsada nito sa utos ni Mayor Joy Belmonte na pinamunuan ng bagong talagang QC traffic czar Atty. Ariel Inton.

Naging malawakang biro na rin at katata­wanan sa social media na maging ang mga taga-Laguna at karatig nitong bayan ay humihiling ng aksiyong tulong para isaayos ni Yorme Kois ang kanilang lugar. Ano ba ‘yan?

 

Serbisyong Isko (serbisko) naging malawakan na!

Marami ang humuhula na kung hindi magbabago ang paninindigan ni Yorme Kois at bagkus ay mapalawak at mapagtata­gumpayan ang mga pagbabagong anyo ng lunsod ng Maynila ay magiging pambansang modelo at hindi malayong hilingin ng samba­yanan ang serbisyo sa buong bansa. Ano sa palagay n’yo?

Ano man ang sabihin ng mga kontrabida sa ngayon kay Yorme Kois ay siguradong puputaktihin ng batikos, lalo na kung ang pupuna sa kanya ay mga alipores ng mga dating namuno sa Maynila na tulad nina Lito Atienza, Fred Lim at  Erap Estrada.

Maraming namangha na may kaakibat na paghanga at pasasalamat sa mga ginagawa ni Yorme Kois hindi lamang ang taga-Maynila kundi maging ang buong Filipinas dahil nakahahawa sa mga Mayor nila ang epidemyang Iskoba. Basta wala lang tolonggisan  okey lang, ‘di ba yorme?

BAKAS
ni Kokoy Alano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Kokoy Alano

Check Also

Firing Line Robert Roque

China, tahimik lang; asar-talo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKABIBINGI ang pananahimik ng China. At dinig ito ng …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Tambalang national gov’t, LGUs at NLEX tutugon sa  flood mitigation

PADAYONni Teddy Brul PINADALISAY ang pagtutulungan ng NLEX Corp., sa Department of Transportation (DOTr), Toll …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Firing Line Robert Roque

Kawalang hustisya, bumida sa pagkamatay ni Gelo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ito ang inaasahan nating kahahantungan ng pagkatalo sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *