Monday , December 23 2024

Multi-bilyon overstock medicines sa DOH ipaliwanag — Angara

NAIS imbestigahan ni Senate Committee on Finance Senator Sonny Angara ang sobra0-sobrang stock ng gamot at medisina sa warehouse ng Department of Health (DOH).

Naghain ng resolu­syon si Angara para mag­sagawa ng pagdinig sa P18.4 Bilyon overstock ng gamot sa warehouse ng DOH na dapat sanang nai­pamahagi sa mga mahihirap na pasyente base sa ulat ng Commis­sion on Audit noong 2018.

Nalulungkot si Angara dahil nagpapa­kahirap na pumila at tila namamalimos sa mga ahensiya ng pamahalaan ang mga pasyenteng mahihirap para maka­kuha ng libreng gamot pero kung minsan ay napapagkaitan pa.

Dahil dito, ang mga naturang gamot na dapat na ipamahagi sa mga pasyenteng dukha ay napaso o expired na at hindi na mapapa­kina­bangan.

Labis na nanghihi­nayang si Angara sa ha­los P20 bilyong nasayang na gamot na dapat ipaliwanag ng DOH sa ipatatawag na pagdinig para malaman kung magkano dapat ang kani­l­ang ilalalan na pondo sa DOH sa 2020.

Lumalabas sa report ng COA, ang nasasayang na gamot dahil sa overstock ay umaabot sa 18.4 bilyon noong 2018, P16 bilyon noong 2017, P11.3 noong 2016 at P10 bilyon noong 2015.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *