Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baseco linisin laban sa tulak, droga at baril (Isang linggo ultimatum ni Isko)

NAGBIGAY ng isang linggong palugit si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pulisya para linisin sa ilegal na droga ang Base­co.

Inihayag ito ni Mayor Isko kahapon sa pulong ng Manila Anti Drug Abuse Council (MADAC)

Aniya, ang lahat ng drug suspects ay dapat makulong at lahat ng mayroong baril ay dapat makompiska ng mga awtoridad lalo ‘yung mga walang lisensiya.

Ibinigay ng Mayor ang direktiba sa Manila Police District (MPD) at Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pulong MADAC.

“Binibigyan kita, lahat ng mga ahensiya na nagpapatupad, ‘pag ‘di ninyo na-clear ang droga sa Baseco, wala nang dahilan para sa iyo na pumunta rito sa susunod na pagpupulong ng konseho,” ani Isko sa mga miyembro ng Konseho.

“Maaaring masama ang impresyon sa Baseco, bakit hanggang ngayon hindi pa rin nalilinis. Marami akong naririnig na mga indibiduwal na nagdadala ng mga baril, nais kong malaman kung ang mga baril ay lisen­siyado, o lehitimo ang pagkakuha nito,” aniya.

Ito ay matapos ma­ku­ha ang data mula sa Philippine Drug Enforce­ment Agency – National Capital Region (NCR) ay nagpakita na 807 sa 896 barangays sa kabisera ng bansa ang apektado pa rin ng ilegal na operasyon ng droga.

Gagawin ng alkalde ang paglilinis kaakibat ng pinagsama-samang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philip­pine National Police (PNP), Department of Interior and Local Govern­ment (DILG), Department of Health (DOH), at Local Government Units (LGUs) gaya ng pinagka­isahan sa pulong sa Mani­la City Hall kahapon.

Ayon sa inisyal na report ng PNP, mayroon pang 2,034 drug pushers ang nagpapapatuloy sa operasyon ng ilegal ng droga.

Ito ang pagtutuunan ng pansin ng alklade at binanggit niyang buo ang suporta at pakikipag­tulungan niya sa mga hakbang at plano ng mga operatiba sa pagpuksa sa bentahan at paggamit ng droga.

“Mas mabilis, mas sweep, mas effective,” pahayag ni Moreno.

Humiling naman si PDEA District Officer Agent Aldwin Pagarigan na kung maaari ay magkaroon ng opisina ang ahensiya sa Maynila dahil aniya, sa buong NCR ay tanging sa Maynila walang opisina ang kanilang ahensiya.

Agad sumang-ayon ang alkalde at sinabing aasikasuhin ito ng Manila Barangay Bureau sa pangunguna ni Romeo Bagay.

“Everything they need should be provided by the city. I want them here in Manila… three years na may war on drugs, e ang kapityo ng bansa marami pa rin droga,” ani Moreno.

Ayon sa alkalde, ang pagkakaroon ng mapa­yapa at tahimik na lung­sod ang nais niyang ihandog sa mga Manileño.  (RICA ANNE D. DUGAN, trainee)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …