Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Dalawang panty ipinasok sa brief piyon bugbog sarado, patay

BINUGBOG hanggang ba­wian ng buhay ang isang construction worker nang akusahang nagnakaw ng dalawang panty sa lungsod ng Tagbilaran, lalawigan ng Bohol, niong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Cpl. Joseph Elic ng Tagbilaran City Police Station ang napatay na piyon na si Jessie Chan Romo­rosa, 39 anyos, at residente sa Barangay Tupas sa bayan ng Ante­quera.

Ayon kay Elic, inimbita­han umano si Romosora sa bisperas ng pista sa Bara­ngay Dampas noong Martes ng hapon, 30 Hulyo, sa bahay ng kaniyang kaibi­gang kinilalang si Dioscoro Daño sa Sitio Candait.

Dagdag ni Elic, nag­pahinga si Daño mula sa kanilang inuman pasado 6:00 pm nang magkaroon ng gulo.

Nabatid na binugbog ng anak ni Daño na kinilalang si Jestoni, 28 anyos, si Romo­rosa, dahil nahuling nagna­kaw ng panty sa mga nakasampay na labada sa loob ng bahay.

Tinangkang awatin ng matandang Daño ang kani­yang anak at humingi ng tulong mula sa mga bara­ngay tanod.

Agad umalis ang naka­ba­batang Daño matapos bugbugin si Romarosa.

Dumating ang mga tauhan ng Tagbilaran City emergency response unit upang madala sa paga­mutan si Romorosa ngunit sa bahay ng mga Daño na siya binawian ng buhay.

Nabatid na tinamaan ang biktima ng isang matigas na bagay sa likod ng kaniyang ulo at sa kanang kilay.

Samantala, natagpuan ng mga pulis ang dalawang panty sa loob ng brief ng biktima.

Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya upang madakip ang tumakas na suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …