Thursday , December 26 2024

Sa Maynila… Lisensiya, permit ng PCSO gaming outlets ipinababawi ni Mayor Isko

IPINAG-UTOS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapahinto ng mga business license at mayor’s permit ng lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming outlets sa lungsod.

Bilang pagtalima sa naging direktiba ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte, inatasan ni Moreno ang officer-in-charge ng Manila Business License office na i-withdraw ang mga lisensya at permits na inisyu sa lahat ng PCSO gaming outlets.

Magugunitang ipina­hinto ni Duterte ang lahat ng gaming operations kabilang na ang lotto sa ilalim ng PCSO dahil sa umano’y kurapsiyon.

HATAW News Team

SIMBAHAN SASAKLOLO
SA APEKTADO NG PCSO
GAMING SHUTDOWN

NAKAHANDA ang Simbahang Katolika sa paglingap sa mga dukha sa pamayanan na manga­ngailangan ng tulong tulad ng pagpapagamot na kadalasang inilalapit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ipinahayag ito ni Balanga Bishop Rupert Santos kasabay ng pag­pa­tigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opera­syon ng mga gaming scheme ng PCSO na pangunahing pinagku­kuhanan ng pondo ng ahensya para sa mga social services sa publiko.

Sinabi ni Bishop San­tos na sa pagpatigil ng gaming scheme ng PCSO, paiigtingin ng Simbahan ang mga programang makatu­tulong sa mahi­hirap na mamamayan sa bansa.

Ayon sa Obispo, ang bisyo ng pagsusugal ay nagiging ugat ng krimen at korapsyon sa lipunan kaya’t mahalagang maiwasan ito ng tao bago tuluyang magumon sa pagbibisyo.

Matatandaan na nitong July 25 nang ipinag-utos ni pangulong Duterte ang pagpapatigil sa lahat ng gaming schemes ng PCSO dahil sa matinding katiwalian ng ahensya na kinasa­sang­kutan ng iba’t-ibang opisyal.

Hinimok naman ng Malakanyang ang mga Filipinong humihingi ng tulong medikal sa PCSO na sumulat sa Office of the President upang matugunan ng gobyerno ang kanilang panganga­ilangan.

Sa kasalukuyan higit na sa 23,000 outlets ang naipasara kung saan 7,768 ang lotto outlets; 13,320 small town lottery kiosks; 2,194 na Perya­hang bayan habang 472 naman ang Keno shop.

Umaasa si Bishop Santos na ipagpatuloy ni Pangulong Duterte ang mga hakbang sa pagpigil ng korapsyon sa lipunan para sa kapakanan ng mga Filipino.

DOJ sa NBI:
KORUPSIYON
SA PCSO
IMBESTIGAHAN

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y korupsyon sa Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO).

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na korup­syon ang rason ng pagpapasara sa lahat ng gaming operation ng PCSO.

Sa department order, naglabas ng direktiba si Guevarra sa NBI na imbestigahan at gumawa ng case build up sa sina­sabing talamak na korapsyon sa ahensya at ilang gaming operations nito.

Ayon sa kalihim, ang imbestigasyon ay magsi­silbing oportunidad sa PCSO para ipakitang walang nagaganap na korupsyon sa kanilang operasyon.

Oras na mapa­tuna­yang mayroong sangkot sa korupsyon, sinabi ni Guevarra na agad magsampa ng kaso laban sa mga responsable rito.

Nilinaw naman ni Guevarra na hindi pareho ang ipinag-utos na closure order sa pagsus­pinde sa buong ahensya.

Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na papa­ngalanan ng pangulo ang mga sangkot sa umano’y korapsyon sa takdang panahon.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *