Thursday , December 26 2024

Cong. Datol, nagpasalamat kay Digong sa paglagda sa National Senior Citizen Commission (NSCC)

LABIS ang pagpapa­salamat ni Congressman Francisco Datol, Jr., kinatawan ng Senior Citizen Party-list at pangunahing may akda ng Republic Act No. 11350 o National Senior Citizen Commission (NSCC) makaraang lagdaan ito ni Pangu­long Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas.

Ang pagkakatatag ng NSCC ay buong-pusong ipinaglaban at isinulong ni Datol sa Kongreso upang mabig­yan ng sariling tahanan na kakalinga sa kapa­kanan ng mga naka­katanda.

Ngayong isa nang ganap na batas ang NSCC, inaasahang matutukan na nang maayos ang pagbibigay ng mga karampatang benepisyo ang lahat ng nakakatanda sa buong bansa na malaya at walang halong politika.

Ayon kay Datol, ang nasabing Commission ay pamamahalaan ng isang Chairman at anim na Commissioner na pipiliin mula sa hanay ng senior citizens organi­za­tions sa buong kapuluan.

Inilinaw din niya na isasalin ng Department of Social Welfare and Deve­lop­ment sa itatayong National Senior Citizen Commission (NSCC) ang pagbibigay ng pensiyon sa lahat ng nakatatanda at tulong sa pagpapalibing.

Ang NSCC na rin ang magtatalaga ng lahat ng mga opisyal ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa buong bansa kapag lumabas na ang implementing rules and regulations (IRR) hingggil sa komisyon.

“Sinisiguro ko sa inyo na magkaroon ng was­tong representasyon ang Luzon, Visayas at Min­danao upang ang lahat ng benepisyo ay makarating sa mga nakatatanda sa buong kapuluan,” diin ni Datol.

Nagpasalamat din si Datol kina Senate Presi­dent Vicente Sotto III at dating House Speaker Gloria Macapagal Arro­yo dahil sa kanilang malasakit para sa lahat na nakatatanda ay na­ging bahagi sa mata­gumpay na pagsasa­batas ng NSCC.

“Nagpapasalamat din ako sa buhay na alamat ng mga senior citizen na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi niya ipinagkait ang tunay na diwa at pag­kalinga sa mga naka­tatandang Filipino sa pagpirma nito upang maging ganap na batas ang NSCC,” ani Datol. “Sa pagkakatatag ng National Senior Citizen Commission ay maitu­turing na ang gobyerno ng Filipinas ay tunay na tumalima at kumikilala sa lahat ng mga naiaam­bag ng mga nakatatanda sa pagbuo at pagtayo ng isang matatag na bansa na siyang naghahanda sa pagprotekta sa kapa­kanan at kinabukasan ng mga kabataan.”

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *