Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Leni umarangkada sa surveys (Pulse +11%, MBC Survey tumaas sa 75%)

LALO pang lumalakas ang tiwala ng taong-bayan kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa survey ng Pulse Asia, tumaas ng 11% ang tiwala ng mga Filipino sa Bise Presi­dente, mula Abril hang­gang Hunyo nitong taon. Ayon naman sa Makati Business Club, lumundag sa 75% ang satisfaction rating ni VP Leni sa kanilang pinakabagong survey.

Nakita sa Pulse Asia survey na nagmula ang dagdag puntos sa mga “undecided,” o iyong mga hindi pa lubusang sumusuporta noon kay VP Leni—isang pagpapa­tunay na kinikilala ng taong-bayan ang kani­yang pagtupad sa pangakong tumulong sa mga nangangailangan.

Patok din si VP Leni sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa Filipinas. Ayon sa Makati Business Club (MBC) Executive Outlook Survey na inilabas kamakailan, nakatanggap ang OVP ng 75% satisfaction rating, mula sa 100 business executives na kumaka­tawan sa 100 kompanya sa Filipinas.

Malaking lundag ito mula sa 11.9% nakuha ng opisina ni VP Leni sa huling outlook survey, na isinagawa noong 2015.

Dahil dito, itinuturing ang opisina ni VP Leni na ika-14 sa pinakamagaling na ahensiya ng pamaha­laan, mula sa 69 national government agencies na kasama sa survey.

Sa simula pa lamang ng kaniyang termino, sinikap ng OVP na mag­ka­roon ng magandang ugnayan sa pribadong sektor, na malaking ba­hagi ng programa nitong Angat Buhay.

Sa tulong at suporta ng private partners, kabi­lang na ang mga kom­panya at negosyo sa bansa, nakapagbigay nang halos P350 milyong halaga ng tulong ang OVP sa halos 400,000 Filipino sa 193 lugar sa Filipinas.

Lubos ang pasasala­mat ng OVP sa maga­gandang reaksiyon na natatanggap nito at ni VP Leni Robredo sa gitna ng kaliwa’t kanang intriga at panggigipit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …