Sunday , December 22 2024

24-oras emergency hotline go kay Sen. Bong

ISINUSULONG ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagkakaroon ng 24-oras emergency hotline upang mabigyan ng mabilisang ayuda ang sinomang nangangailangan ng tulong-medikal sa panahon ng emergency.

Sa pamamagitan ng Senate Bill 394 o Emergency Medical Services System Act of 2019,  target ni Go na  matiyak na magiging mabilis, maayos at maaasahan ang serbisyo ng gobyerno pagdating sa oras ng sakuna at iba pang medical emergencies.

Sinabi ni Senador Go, bagamat may kasalukuyang 911 hotline na natatawagan ang ating mga kababayan sa panahon ng emergency, mas mapapalakas pa ng kanyang inihaing panukalang batas ang pagresponde sa panahon ng pangangailangan gayong mai- institutionalize nito ang mas komprehensibong Emergency Medical Services System.

Itinatakda sa ilalim ng panukalang batas na obligado ang bawat LGU na magkaroon ng kanyang emergency medical service system at dispatch center na konektado sa National Command Center.

Magbubukas din aniya ang naturang bill ng plantilla position para sa EMS personnel na itatalaga sa lahat ng government hospitals at health facilities.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *