Sunday , December 22 2024

Relasyong ‘wala-lang’ sa Iceland ‘lusawin’ — Panelo

MINALIIT ng Malaca­ñang ang mga posibleng epekto kapag pinutol ng Filipinas ang pakikipag-ugnayan sa Iceland na maghain ng resolution na nananawagn sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Kinuwestiyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang umiiral na relasyon ng Filipinas sa Iceland para indahin ng bansa ang pagputol ng ugnayan sa Nordic island nation na ipinanawagan ni Sen. Imee Marcos.

“How will it affect us? Ano bang relasyon natin sa Iceland in the first place. Halos wala naman tayong…ni wala tayong embassy roon, ni walang ano sila rito e,” ani Panelo.

Ipinauubaya ni Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya sa magiging kapalaran ng ugnayang Filipinas-Iceland.

Para kay international law expert at human rights lawyer Harry Roque walang dapat ipagdi­wang ang mga kritiko ng administrasyong Duterte dahil nakasaad lamang sa UNHRC resolution ang panawagan na magsu­mite ng komple­tong report sa mga patayan sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *