Wednesday , May 7 2025

Agawan sa P6-B SEA Games fund… Digong tsinugi PHISGOC ni Cayetano

HINDI awtorisado ni Presidente Rodrigo Duterte ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation para patakbuhin ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Sa isang interview sa kanya noong Huwebes, sinabi ni Duterte na hindi niya pinapayagan ang PHISGOC na kunin mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang pagho-host ng biennial regional multi-sport event. Hinihingi niya ang government accounta­bility pagdating sa mga ganitong klaseng pro­yekto, aniya.

“I have to be res­ponsible for this. Give (the SEA Games) to govern­ment,” ang naging tugon ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa kung ano ang mangyayari sa aga­wan sa pag-host ng SEA Games.

“Government is the most interested in winning the medals. That PHIS­GOC Foundation only muddles up the issue. So many fingers are dipping into the hosting. It should only be government. I want just one, just the government,” pagbi­bigay-diin ng Presidente.

Ang SEA Games ay nakatakdang isagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa – kabilang ang New Clark City na gagawin ang athletics at swimming events – mula 30 No­byem­bre hanggang 10 Disyembre ng kasalu­kuyang taon.

Matapos ang kagu­lu­han sa Marawi at pagti­yak ng gobyerno sa pag­sasaayos ng lugar ilang taon na ang nakalilipas, pinayagan ng SEA Games Federation ang Filipinas na mag-host ng SEA Games sa pama­magitan ni POC President Jose “Peping” Cojuangco na siyang nagtalaga sa noo’y Department of Foreign Affairs (DFA) secretary at kasalu­kuyang Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang pinuno ng PHIS­GOC.

Sa orihinal na PHIS­GOC, si Cayetano ang tumayong chairman habang co-chairmen niya sina PSC Chief William “Butch” Ramirez at Cojuangco.

Nang matanggal si Cojuangco bilang POC president, hinirang na bagong pinuno si Ricky Vargas na nakipag-partner kay Cayetano.

Binuo nina Vargas at Cayetano at ipinasok sa Securities and Exchange Commission ang bagong PHISGOC na wala nang representasyon ang gobyerno at naalis din si Ramirez ngunit isinama ng dalawa ang mga sarili nilang tao sa kom­po­sisyon ng foundation.

Anila, trabaho ng PHISGOC ang mangalap ng pondo mula sa pribadong sektor.

Kahit wala sa kan­yang mandato bilang kalihim ng DFA, humingi si Cayetano sa gobyerno ng P7.5 bilyong pam­pondo sa SEA Games.

Sa aprobadong 2019 national budget, P5 bilyon ang inilaan para sa SEA Games at tamang napunta ito sa PSC.

Kahit karapatan ng PSC na gastusin ang halaga para sa sports, mariin itong kinuwestiyon ni Cayetano.

Sa kabila nito, mula siyang nanghingi ng P1 bilyon mula kay Duterte at kahit pinagbigyan siya ng Presidente, sa PSC pa rin inilagak ang pera.

Kinukuwestiyon ng executive board ng POC ang bagong buong pri­dadong PHISGOC ni Cayerano at sinasabi nila, hindi raw nila kailan man ito kikilalanin.

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *