Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sorry ni Defensor ‘hindi sincere’

PINAGDUDAHAN ang pagso-sorry ni Anaka­lusugan Party-list Rep. Mike Defensor kay Presi­dential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at kung hindi pa ba tapos ang usapin sa speakership sa Kamara.

Maalalang nakunan ng retrato at video ang screen ng smartphone ni congress­man Defensor at ito ang nilalaman: “Hi sir! I have the go signal of Mayor Inday to publish. ‘Kaya nanawagan siya ngayon sa lahat ng mga congressmen na bomoto ayon sa kani­lang kagustuhan dahil ang kanyang ama ay na-set-up lamang ng mga gahaman na gabinete na kaalyado ni Cayetano.’ – Mayor Inday.”

Ayon kay Defensor ay pinadala ito ng isang bagong luklok na kongre­gista na taga-Davao na umano’y “very close” kay Mayor Sara.

Naganap ito sa naka­raang farewell party ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Dito nagalit si Mayor Sara at pinagsabihan si Defensor na itigil na ang intriga at sabihin kung ka­nino galing and text mes­sage para malaman ng taong bayan ang katotoha­nan.

“A responsible indi­vidual would have asked me if there is truth to that text,” naging pahayag ni Inday Sara sa isang press statement noong Miye­rkoles.

Kasabay ng pagbu­bun­yag na natataranta na si Defensor ilang oras bago maganap ang pag-uusap sa Malacañang tungkol sa term-sharing na tumawag pa raw upang ipilit pa rin ang manok nitong si Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.

Nang matapos ang meeting, muli raw tuma­wag sa kanya ang kongre­sista at tinutuligsa ang nabuong term sharing decision sa palasyo kaya ‘di na lang daw binigyan pansin ni Mayor Sara.

Nag-sorry si Defensor kay Sara pero mukhang hindi sinsero dahil hindi niya pa rin ibinisto ang kanyang source.

Hanggang ngayon, hindi pa rin tinatanggap ng Davao City mayor ang public apology ng mamba­batas.

Malinaw na hindi katanggap-tanggap kay Defensor ang desisyon ni Presidente Duterte.

Dito nag-aalala ang ibang political analysts na sinasabi ni Albay Rep. Joey Salceda na susuportahan lang nila si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang House speaker kung ibibigay sa kanila ang mga pinupuntirya nilang pu­westo.

Maaring umaasa sila na mababago pa ang sit­wasyon kung magsasalita lang si Mayor Sara, na ayon sa kanila ay baka si congress­man Mike Defen­sor lang ang nag-imbento ng misteryosong text mes­sage?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …