Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, kabilang sa host ng Artista Teen Quest 2019!

MASAYA ang talented na recording artist na si Rayantha Leigh dahil kabilang siya sa tatlong host ng Artista Teen Quest 2019! na ang pilot episode ay ngayong araw na, July 12.

Sambit ni Rayantha, “Masaya po ako at forever thankful po ako sa lahat ng sumusuporta sa akin dahil sila po ang nagbibigay ng lakas at confidence sa akin. Thankful din po ako sa SMAC Television Production sa pagbi­bigay sa akin ng new project at sa trust po sa akin.”

“Mag-iikot po kami sa iba’t ibang lugar sa Filipinas upang maghanap ng 13 stars ng Artista Teen Quest of IBC 13. Bale, magpapa-audition po kami at may iba-iba pang level hangga’t may top 13 na matitira. Ang puwede pong sumali ay 13-19 years old po, dapat artistahin, marunong kumanta, sumayaw, at umarte.”

Ang Artista Teen Quest 2019! ang unang reality talent search na handog ng SMAC Tele­vison Production at mapapanood 9:30 – 11:00 pm sa IBC TV 13. Kasamang host dito ni Rayantha sina Isaiah Tiglao at Princess Ella Apon.

Sina Riva Que­nery, Anton Juarez, Mateo San Juan, at Justin Lee naman ang tumatayong juries.

May forthcoming projects ba siya? “Sa ngayon po dahil pasukan na, pinagkakaabalahan ko po ang aking studies at hinding-hindi ko po iyon pababayaan. Isa rin po rito ang aking show na Artista Teen Quest, at sana po ay more projects and blessings this year.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …