Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIHARAP ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Korean nationals na sina Young Kook Kim, Jong Kook Choi, at Gee Pong Lee makaraang maaresto ng mga tauhan ng NBI Special Action Unit at Bureau Of Customs Intelligence Investigation Service sa kasong pagbebenta ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes sa isinagawang entrapment operation sa Unit 3 & 4 sa Zapote V, Longos, Bacoor, Cavite. (BONG SON)

3 Korean nationals ‘napahamak’ sa yosing ilegal

TATLONG Korean nationals ang nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahuli na aktong nagtitinda ng mga ilegal na sigarilyo sa Bacoor Cavite, nitong Martes.

Imported smuggled cigarettes, ang sinabi ni NBI  Special Action Unit chief Emeterio Dongalio Jr. matapos iharap sa media ang tatlong Korean nationals na kinilalang sina Young Kook Kim, Jong Kook Choi, at Gee Pong Lee.

Paliwanag ni Dongalio, ang pagtaas ng tax sa mga sigarilyo ang maaaring dahilan para humanap ng ibang paraan ang mga nagtitinda gaya ng smuggling at ilegal na produksiyon.

“Walang stamps… they do not bear BIR Tax so we cam already assumed that it is smuggled,” ani Dongalio.

Ang sistema ng pagtitinda ng mga imported na sigarilyo ay isinasabay ng foreign nationals sa kanilang mga parokyanong bumibili din ng iba pang produkto sa kanilang tindahan.

Nang hingian ng panayam, nagpaunlak ang isa sa tatlong suspek na si Jong Kook Choi at sinabing hindi raw niya alam na ilegal ang kanilang pagtitinda, sa edad niyang 77 at pamamalagi sa bansa nang 18 taon.

Ipinaliwanag niyang kaya lamang siya nagtinda ay dahil mas mababa ang presyo kompara sa ibang sigarilyo.

Nasa kustodiya ng NBI ang tatlong Korean nationals na lumabag sa RA 10863 (Customs Modernization Act).

(RICA ANNE DUGAN, OJT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …