Monday , December 23 2024
oil lpg money

Joint Congressional Power Commission nais baguhin ni Gatchalian

KASUNOD ng pagba­bago sa pangalan, mula sa Joint Congressional Power Commission ay tatawagin na itong Joint Congressional Energy Commission na may layuning palawakin ang kapangyarihan, ani Sena­tor Sherwin Gatcha­lian.

Aniya, may mga plano para magkaroon ng oversight power ang komisyon sa mga panu­kala na may kinalaman sa langis at gas, kasama ang Liquified Natural Gas bill.

Binago umano ang pangalan dahil hindi lang sa power sector may oversight function ang komisyon kundi sa lahat ng isyu na may kinalaman sa enerhiya.

Sa ngayon, ayon sa namumuno sa Senate Committee on Energy, tinatalakay ang ilang mga panukala tulad ng Microgrid Systems Act, Energy Advocate Act, Electric Vehicles and Charging Stations Act, at ang Philippine Energy Research and Policy Institute Act.

Nabago ang tawag sa komisyon noong Abril nang pirmahan ni Pa­ngulong Duterte ang Energy Efficiency and Conservation Act.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *