Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suweldo ng city hall employees hindi na made-delay — Isko

MULING nagpasalamat si Mayor Isko Moreno sa taong-bayan at nakiusap sa mga empleyado ng Manila Cityhall na tulungan siyang ibalik ang karangalan sa paglilingkod sa bayan.

Ipinahayag ito ni Moreno sa mga empleyado ng Manila City Hall sa flag ceremony nitong Lunes ng umaga.

Aniya, tapos na ang eleksiyon kaya maaari na raw isuot ng mga empleyado ang lahat ng gusto nilang kulay.

Ayon sa Alkalde, hindi umano niya kakayanin mag-isa ang pagsasaayos ng Lungsod.

Noong isang linggo, kabi-kabila ang pagsi­siwalat ni Moreno sa mga korupsiyon sa lungsod tulad ng tangkang panunuhol sa kaniya ng P5 milyon kapalit ng hindi pagpapaalis sa mga vendor sa Divisoria.

Hindi umano lingid sa kaalaman ni Moreno na mababa ang tingin ng taong-bayan sa mga empleyado ng city hall dahil nabansagan silang kurakot.

Kaya’t sa pagsasaayos ng mga katiwalian, nais niyang mawala ito.

Ipinangako ni Isko na hindi na made-delay ang  suweldo ng mga empleyado at uunahin ito bago ang mga ‘kontrata.’

Mariin niyang sinabi na walang Mayor na matutulog sa Maynila dahil mayroong gobyerno ang lungsod na 24/7 na magtratrabaho para sa Manileño.

At dahil sa administrasyon ni Isko mahalaga ang lahat.

Kasamang dumalo ni Moreno ang bagong halal na Vice Mayor ng Maynila na si Honey Lacu­na.

Dumalo sa flag raising ceremony ang lahat ng empleyado ng City Hall pati ang mga pulis ng Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …