Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Memes ni Dimples Romana, sobrang nakaaaliw

NAKAAALIW nang sobra ang memes na naglalabasan ngayon sa social media sa character ni Dimples Romana na Daniela sa teleseryeng Kadenang Ginto.

Pinagpipiyestahan kasi sa social media ang eksena sa toprating soap opera nila sa Dos habang naglalakad sa kalsada ang aktres na may hila-hilang de gulong na maleta.

Kung saan-saan na nga naka­rating si Daniela/Dimples, mayroong kasama niya si Vice Ganda, mayroong sa Idol Philippines, with Pastor Quiboloy, mayroong kasama ang kalabaw, nagpapakain ng baboy, kasama ang Avengers characters, may kasama sa pagrampa ang supermodels, mga stewardess, eksena sa Ang Probinsyano with Coco Martin, sa LRT/MRT, ang nasa sports arena si Daniela, at marami pang iba.

Pero kabilang sa pinakagusto ko, nang nasa background si ex-Sec. Mar Roxas habang nagta-traffic sa ulanan at nang nakarating na si Daniela sa buwan.

Dito makikita ang pagiging creative at masayahin ng mga Pinoy, na kahit anong bagay halos ay kayang gawing light at katatawanan.

Of course, dahil dito dapat i-expect na lalo pang tataas ang rating ng serye nilang Kadenang Ginto. At isa pang dapat i-expect ang susunod na memes na pagpipiyestahan na naman ng mga malikhaing Pinoy!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …