Thursday , December 26 2024
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Hinagpis sumalubong daw kay Mayor Joy ng QC?

HALOS wala na umano, natirang pondo na maaaring gamitin para sa mga proyektong gustong ipatupad ni Mayor Joy Belmonte sa nalalabing anim na buwan ng 2019 dahil obligated na o nakalaan na sa mga huling hirit na proyekto napinalitan nitong si Mayor Bistek Bautista kaya maghintay muna ang mga residente ng Quezon City nang tamang panahon.

Ito ang buod ng inaugural speech ni Mayor Joy Belmonte at ipinangako na rerebisahin ang lahat ng proyekto na ginagawa ngayon at ang iba ay hindi pa nasisimulan.

Sa loob halos ng huling dalawang termino o anim na taon na nagdaan ay hindi umano pinaporma si Mayor Joy Belmonte na mistulang dekorasyon lamang at tanging ang pagiging presiding officer sa konseho ang naging papel noong siya pa  ang Vice Mayor ni Mayor Bistek Bautista.

Aray ko!

Maraming dapat ayusin si Mayor Joy, sa totoo lang!

Gusto raw ni Mayor Joy na rebyuhin ang lahat ng awarded contract na naipasa bago matapos ang termino ni Mayor Bistek, at maging ang teknikalidad sa pamamahagi ng kontrata na dumaan sa Bids and Award Committee BAC ay rerebyuhin din at kung wala namang makitang pagka­kamali sa pro­yekto, hindi niya ito hahadlangan.

Magtatatag din daw si Mayor Joy ng isang Internal Audit Service sa ilalim ng kanyang opisina na kikilatis sa lahat ng tran­saksiyon sa QC Hall sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Mas maganda siguro na pag-aralan ni Mayor Joy kung paano sasalain ang mga milyong social development budgets ng mga konsehal na ang iba ay binhi at ugat umano ng sangkaterbang ghost projects na nagagawa nila dahil sa rami ng solicitations at pangsuporta sa mga naka-payroll sa mga tanggapan nito bilang consultants na ang karamihan ay dating barangay officials, NGO officers at mga kamag-anak ng malalaking pamilya na nangangalaga sa kanilang boto tuwing eleksiyon para manatili sa kanilang puwesto at maipasa sa kanilang asawa at anak kapag natapos na ang kanilang termino.

Maliwanag na political machineries ito na nagtataguyod ng political dynasty sa kalunsuran. Maraming matutuwa kapag ginawa n’yo ‘yan Mayor Joy!

No turning back, straight forward lang Mayor Joy!

Dapat sigurong tularan ni Mayor Joy ang tatay niya na si dating QC Mayor at House Speaker Sonny Belmonte na isinawalang bahala ang dinatnan na sitwasyon sa QC nang palitan si dating Mayor Ismael Mathay na marami rin napabalitang anomalya sa kanyang pamumuno, pero ibinaon na lamang ito ni SB sa limot at ibinangon ang Quezon City mula sa pagkakadapa at naging Outstanding Mayor at naging Model City pa ang Quezon City sa  buong Filipinas.

May Commission on Audit naman na nag­mamatyag sa lahat ng transaksiyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bistek at kung may madis­kobreng kalokohan, ang COA na ang bahalang magsampa ng kaukulang hakbang kung sakali. May masabit kaya?

Hintayin natin!

BAKAS
ni Kokoy Alano

About Kokoy Alano

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *