Saturday , November 23 2024

Matigas ang bungo ng spoiled brat na si Velasco

USAP-USAPAN sa Kamara ang pagiging matigas ng ulo ni Rep. Lord Allan Velasco. 

Ayon sa ilang mga kongresista, kung hindi matigas ang ulo ni Velasco at sa pagsuway niya sa panukala ni President Rodrigo Duterte ay hindi sana nagkakainitan ang mga kongresista sa karera para maging House Speaker.

Ito ay matapos tanggapin ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang panukala ni Presidente Duterte sa term-sharing sa kanila ni Velasco upang maresolba ang Speakership issue, pero tinanggihan ng congressman mula sa Marin­duque.

Iginiit ni Velasco na dapat iisang tao lamang ang hahawak sa pinakamataas na puwesto sa House of Representatives — at ito ay walang iba kundi siya—Velasco. 

Hindi pumayag si Velasco sa panukala kahit mula  kay President Duterte, na nagbigay ng ultimatum sa Cabinet meeting noong 1 Hulyo at sinabi na tanggapin ni Velasco ang term sharing deal kay Cayetano o kalimutan ang pangarap niyang maging Speaker. 

Dapat maintindihan ni Velasco na ang power-sharing agreement ay mas makabubuti sa kanya dahil lumalabas na wala siyang experience at hindi kalipikado sa lahat ng nag­na­nais na maging Speaker.

Kahit na si Velasco ay nagsilbi ng dalawang termino bilang congressman, lumalabas na naupo siya bilang kongresista sa isang termino lamang matapos maluklok siya sa huling araw ng session sa Congress noong 2013, dahil napalitan niya si Regina Ongsiako Reyes sa kanilang laban sa Marinduque noong 2010 polls.

Si Velasco ay naging chair ng House energy panel sa 17th Congress, sa kasamaang palad ay walang naipasang malaking batas kahit na isa.

Halata rin ang katotohanan na wala man lang naiambag o naitulong si Velasco sa Duterte administration.

Magugunita na si Velasco ay nagbigay ng suporta kay Grace Poe noong 2016. At noong May 13 polls, si Grace Poe rin ang nanguna sa senatorial race sa Marinduque. Si Bong Go at ibang kandidato ni President Duterte ay halos matalo sa kanyang balwarte.

Hindi rin naipagtanggol ni Velasco ang Duterte administration sa mga kritiko at hindi rin siya nanindigan para sa adbokasiya ng pangulo. 

Marapat na tanggapin na ni Velasco ang term sharing at ‘wag na siyang umasal na parang spoiled brat.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *