ISINIWALAT ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Martes, 2 Hulyo, sinusuhulan siya ng P5 milyon kada araw o hanggang P1.8 bilyon kada taon upang itigil ang kampanya na naglalayong walisin ang illegal vendors sa main thoroughfare ng lungsod.
“May mga nagparating sa akin ng mensahe na P5 million a day, P150 million a month, P1.8 billion a year,” ayon kay Moreno.
Nang tanungin niya umano kung para saan ang suhol, sinabi lang nitong, “Para dating gawi.”
Gayonman, nanindigan si Moreno na tutuparin niya ang kaniyang pangako na ibabalik niya ang kalsada sa mga taga-Maynila.
“We will be consistent, persistent in putting order in the City of Manila,” paniniguro ng bagong Mayor ng Maynila.