Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jef Gaitan, isa sa tampok sa pelikulang Marineros

PANGATLONG project na ni Jef Gaitan kay Direk Anthony Hernandez ang pelikulang Mari­neros. Ang naunang dala­wa ay Surrogate Mother at ang Silent Morning.

Tapos nito ay isinabak din si Jef ni Direk Anthony sa latest movie nito sa Golden Tiger Films titled Marineros. Paano niya ide-describe ang pelikulang Mari­neros?

Sagot ni Jef, “Iyong movie na Marineros, it’s a story about ‘yung mga seaman, ‘yung mga nagtatrabaho sa cruise, mga nagtatrabaho sa barko. Kasama ko riyan sina Michael de Mesa, Ahron Villena, Valerie Con­cepcion, Claire Ruiz, Jon Lucas, Alvin Nakasi, Moses Loyola, Paul Hernandez, at iba pa.

“Gumaganap ako rito bilang isang escort service sa mga DOM, iba-iba ‘yung kliyente niya. Bale rito, maa-associate ako sa isa sa main character.”

Nagpa-sexy ba siya sa movie? “Ito ‘yung escort na parang re­vealing iyong outfit, medyo social, pero nakabihis na­man, iyong hindi halata… More on landi-landian lang bale, hahaha!”

Anong masasabi niya sa co-stars sa Marineros at kay direk Anthony? “Well, sa mga co-stars ko, like Claire, ni Valerie, ni Ahron, mga naka­kasama ko na sa trabaho ‘yang mga iyan, e. So, alam kong magagaling talaga sila, magaling umarte, dedicated sa craft nila, dedicated sa tra­baho, passionate actors. Tapos well bonded naman kami, lalong-lalo na kami ni Val, tapos recently sa mga racket, magkasama kami ni Val, so, okay ang work namin.

“Si Direk, gumawa siya ng movie na ang cast ay buong-buo ang ibinibigay sa mga role nila. Kapag trabaho, trabaho talaga. ‘Yung ‘pag nandito ka, alam mong may matututuhan ka sa kanila. At hindi lang basta trabaho, ‘yung mayroon ka rin mabu­bu­ong friendship. Alam ko, sinasabi nila, sa showbiz, walang kaibi­gan talaga. Pero sa mga ito, nakahanap ako ng mga kaibigan. Kaya enjoy akong katrabaho sila at si Direk Anthony.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …