SAPAK talaga sa kunsumisyon ang naranasan ng isa nating kabulabog sa pagbili niya ng isang Foton van.
Ang karanasan nga naman ng marami, kapag bumili ng sasakyan lalo’t brand new, ‘e abot nang hanggang limang taon na hindi sila makukunsumi.
Pero itong Foton van na nabili ng kabulabog natin, dalawang taon pa lang sa kanya, e bumigay na.
Ang siste nang kanilang ipinaaayos ang van, kailangan daw palitan ng piyesa. Noong maghanap sila ng piyesa, walang makita kahit saang outlet ng Foton.
Tama ba ‘yun?!
‘Yung Mercedez Benz, talagang matagal umorder ng piyesa no’n kasi manggagaling pa sa Europe, at iba husay ng kalidad.
Pero itong Foton, na ang manufacturer ay kapitbahay natin sa Asia, walang ipinadadalang piyesa sa Filipinas?!
Wattafak!
Parang ang gusto ng Foton, kapag sira na ang van, kahit hindi pa nasusulit ang halaga ng pagkakabili ‘e itapon na sa junk yard at bumili na ulit ng bagong van nila?!
Pero sabi ng kabulabog natin, he learned his lessons, kaya hinding-hindi na siya muling pagogoyo sa Foton.
Kaya babala rin natin sa ating mga suki, kung nag-iisip kayong bumili ng Foton van, e paglimian ninyo nang husto lalo na kung gagamitin ninyo sa hanapbuhay.
Naalala tuloy natin ‘yung isang kakilala natin na nag-van rental gamit ang Foton van, hindi pa tapos magbayad at halos wala pang tatlong taon ang van, hindi na maibiyahe, hayun nategas sa kunsumisyon.
Sumalangit nawa.
Sabi nga ng kabulabog natin, kung gusto ninyong mapaaga ang bakasyon ninyo sa lupa at sumalipawpaw agad, kumuha ng Foton van.
Libreng-libre ang kunsumiyon!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap