MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang misis dahil pakiramdam niya’y biktima siya ng pekeng marketing strategy ng SM mall nitong nakaraang weekend.
As usual, kapag may sale sa ibang mall or department store, magse-sale din ang SM. Minsan, it’s the other way around. Pero ang punto lang, may magaganap na sale.
Ang ibig sabihin po natin ng sale ‘e ‘yung from original price ay puwedeng maging 50% na lang or half the price sa original na presyo ng item.
E kung ganyan ang nasa ‘patalastas’ ng mga mall, sinong misis ang hindi maeenganyong mamili, lalo na’t mayroon siyang inaabangan na item/s.
Pero masama nga ang naging karanasan ng isang misis. Dahil natuwa siya sa murang presyo, namili nang namili siya.
Pero pagdating sa cashier, nagulat siya dahil hindi naman napa-punch ‘yung discounted price, ‘yung original price ang pumapasok. Nang sitahin niya ang cashier, ang sagot sa kanya, hindi raw iyon ang original price, nadikit lang daw ‘yung tag.
Sonabagan!
Nabiktima ba ng japeyks na marketing style si misis?!
Gusto nating isipin na ‘isolated case’ lang ang nangyari kay misis pero matagal na tayong nakatatanggap ng reklamo na ‘in bad faith’ ang marketing strategy na “sale” ng SM.
Hindi lang iilang beses na nabistong mas mahal pa ang bagong tag price — na supposedly ay sale, sa original na price ng isang item.
Masyado talagang nakasasama ng loob ang ganitong marketing strategy. Lumalabas kasi na harap-harapang niloloko ang mga customer.
Kaya kung mayroong sale ang SM at naengganyo kayo mga suki, isa lang ang tiyakin, magdala ng extra budget dahil baka mapahiya kayo dahil sa malaking, “wow mali mega sale.”
Paging DTI!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap