Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong ginawang sinungaling ni Lord V.

PINALABAS na sinu­ngaling ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Ve­las­co ang Pangulong Ro­drigo Duterte nang sabi­hin na walang nabanggit na hatian sa termino para sa speakership agree­ment.

Desmayado si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa inasta ni Velasco at pinaalala na ang Pangulo mismo ang nagpaliwanag sa mga reporter noong nakaraang Miyerkoles sa Malacañang kung ano ang napagka­sunduan nila ni Velasco sa pag-upo bilang Speaker ng 18th Congress.

“Nakalulungkot ang mga pahayag ni Velasco. Hind ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang magsinungaling nang harap-harapan at pinapalabas pang hindi totoo ang mga sinabi ng ating Pangulo na may­roon ngang term-sharing agreement na napagka­sunduan,” ayon kay Ca­ye­tano.

“Pinagmumukha niyang sinungaling ang ating Pangulo. Iniiba niya at pinabubulaanan ang mga sinabi ni Pangulong Duterte para umayon sa kung ano ang pabor sa kaniya,” dagdag ni Caye­tano.

Nagtataka si Caye­tano kung paano nasabi ni Velasco na hindi naman daw nabanggit ng Pangu­lo ang term-sharing agree­ment sa pagka-Speaker sa kanilang dalawa  gayong ang Pangulo mismo ang nagsabi sa mga reporters noong nakaraang Miyer­koles na mayroon ngang ganoong formula bilang solusyon sa isyu.

“Just to break the impasse, let us have this formula (para matapos ang hindi nila pagka­kasundo, magkaroon ta­yo ng ganitong formula),”  sabi ng Pangulo sa mga reporters, na tumutukoy sa term-sharing agree­ment.

Sinabi rin ng Pangulo sa ambush interview ng mga reporters: “Ang sabi, may term-sharing, Cor­rect ‘yan.”

Kinompirma rin ni Pangulong Duterte na pumayag si  Cayetano na umupo sa mas maikling termino na unang 15 buwan bilang Speaker at si Velasco sa susunod na 21 buwan. Pero ayon sa Pangulo: “Si Velasco mukhang last minute nag-back out.”

Tinawag na Magellan formula ang term-sharing agreement nina Cayetano at Velasco dahil nagpa­pagunita noong 1521 nang unang nakarating si Ferdinand Magellan sa Filipinas.

Binigyang-diin ni Ca­yetano, buo ang tiwala at respeto niya sa Pangulo lalo sa isyu ng speaker­ship, kaya’t pumayag siya sa term-sharing agree­ment.

“May maayos at sibilisadong paraan para sabihing ayaw mo sa isang kasunduan, at may­roon rin tamang pa­na­hon, at ‘yan ay habang magkakaharap kayo ka­sa­ma ang Pangulo. Kung aatras ka at the last minute at pagmumuk­hain mo pang sinungaling ang Pangulo, nagpapa­kita ito ng kawalan ng paggalang sa kanya,” ani Cayetano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …