Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahit pinaboran ni Duterte… Term sharing deadma kay Velasco

NANINIWALA ang mga political analyst na nawalan ng kompiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pag-atras sa nabuong term sharing sa house speakership.

Para sa political analyst na si University of the Philippines Professor Ranjit Rye, si Velasco ang napurohan nang tang­gihan niya ang kasunduan sa term sharing lalo pa’t inaprobahan ito ng Pangulo bilang solusyon sa gusot sa Speakership race.

Maging ang batikang analyst na si Mon Casiple ay naniniwalang malaki ang nawala kay Velasco, hindi umano ang term sharing ang kanyang tinanggihan kundi ang nais mismong mangyari ni Pangulong Duterte.

“Naniniwala akong nainis o nagalit din si Pangulong Duterte nang tanggihan siya ni Velasco, he has lost a lot of points there,” paliwanag ni Casiple.

Ang term sharing sa pagitan nina Velasco at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ay ipinanukala ng kampo ni Velasco, base sa pahayag ni Pangulong Duterte.

Pumabor siya sa term sharing lalo pa’t napanga­kuan si Cayetano gayon­din si Velasco na tutu­lungan sila na makuha ang posisyon ng House Speaker.

Inamin din ng Pangu­long Duterte na bagama’t kaibigan niya ang isa pang Speaker wannabe na si Leyte Rep. Martin Ro­mual­dez na sinuportahan din siya sa nakaraang eleksyon, wala naman siyang naging pangako sa kongresista ukol sa pagiging Speaker.

Samantala, walang nakikitang masama ang ilang kongresista sa ipi­napanukalang term sharing pero inatrasan ni Velasco.

Sinabi ni Cavite Rep. Abrahan Tolentino, kung nais ng Pangulong Duterte ang term sharing, agad silang tatalima bilang nakaaalam ng makabu­buti sa kanyang admi­nistrasyon.

Samantala Ilang senior members din ng Kamara ang pumuna sa estilo ni Velasco na mai­ha­halintulad sa pagiging trapo, kasama na rito ang pinupukol sa kanya na vote buying, ang pagsa­kay sa mga events ng Malacañang para pala­basin na malapit siya sa Pangulong Duterte at pagmamayabang ng su­porta na walang katoto­hanan.

Nalagay din sa hot water si Velasco nang magsinungaling na wa­lang term sharing na sinasabi si Pangulong Duterte sa Speakership, ngunit sa panayam sa Pangulo, inamin at idine­talye nito ang nabuong kasunduan ukol sa pag­hahati ng 3-taon termino bilang House Speaker nina Velasco at Cayetano.

Unang magsisilbi sa Cayetano sa loob ng 15 buwan at susundan ni Velasco ng 21 buwan.

Hanggang ngayon ay tikom ang bibig ni Velasco ukol sa ginawa niyang pagsisinungaling na walang term sharing.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …