Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa banta ng impeachment… Duterte, solidong kongreso kailangan

MALAKI ang papel na gagampanan ng Kongreso sa administrasyong Du­ter­te sa banta ng impeach­ment, kaya nanganga­ilangan ng matatag na liderato lalo sa House of Representatives.

Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple, mainit ang usapin ng West Philip­pine Sea  at ang banta ng impeachment hanggag sa huling nalalabing 3-taon termino ng Pangulo kaya dito papasok na dapat mayroon siyang maaa­sahang lider sa Kamara.

Ani Casiple, hindi man aminin ng Pangulo ay nararapat na personal pick niya ang magiging House Speaker ng Kamara.

Ang Makabayan Bloc ang nagbanta na mangu­nguna sa paghahain ng impeachment kay Pangu­long Duterte gamit ang basehan ang statement ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang pagpayag ng administrasyon sa mga Chinese fishermen sa Philippine Exclusive Economic Zone ay mali­naw na paglabag sa kons­titusyon.

Matatandaan, ang Maka­bayan Bloc, nagha­handang magsampa ng impeachment ang isa sa mga sinusuyo ni Speaker wannabe Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na makuha ang boto kasunod ng mahigipit na laban sa Speakership kay Taguig City Rep Alan Peter Cayetano.

Inamin ni ACT Teachers Rep Antonio Tinio na kinausap sila ni Velasco at maging ni Leyte Rep. Martin Romualdez, tumanggi siyang ihayag kung ano ang kanilang napag-usapan.

Maging ang Liberal Party ay umaming sinuyo rin ni Velasco na ang pagkakaroon ng Com­mittee Chairmanship sa kanilang senior members ang isa sa kanyang mga pangako.

Kaugnay sa usapin ng term sharing sa Speaker­ship na tinanggihan ni Velasco, sinabi ni Casiple, naniniwala siyang nainis si Pangulong Duterte at may malaking puntos na nawala kay Velasco.

Maituturing umano na pagtalikod ito sa hangarin ng Pangulo.

“Kung may term sharing and umayaw siya, he has lost a lot there,” pagtatapos ni Casiple.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …