Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa karera para sa House Speaker… Cayetano desperado

DESPERADO na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa kanyang kampanyang maging House speaker dahil hindi siya iniendosong maging ng kanyang sariling partido – ang Nacionalista Party (NP).

Ito ang ibinunyag kahapon ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa radio interview sa kanya ni Ms. Divine Reyes ng DZBB.

“Si Congressman Cayetano po is from NP but even NP, kahit na tawagan ho ninyo si Senator (Cynthia) Villar, ay hindi pa ho nagre-release ng statement that they are endorsing Congress­man Cayetano,” ani Pimentel.

Kabaligtaran ng ma­sa­mang kapalaran ni Cayetano ang nakuku­hang suporta ni Marin­duque Rep. Lord Allan Velasco na umaabot ang numero sa 180 hanggang 200 dahil sa pag-aalyan­sa ng Partido Demo­kratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Nationalist People’s Coalition (NPC), Party-list Coalition, Northern Alliance, at ibang inde­pendent congressmen, ayon sa kinatawan ng Surigao del Sur.

Kanyang iginiit ang multi-party support para kay Velasco ay awto­risado at may clearance mula sa mga partido.

Sinabi ni Pimentel, ang mga numero ni Velasco ang dahilan kung bakit patuloy na inihihirit ni Cayetano hanggang ngayon ang term sharing.

“Sa tingin ko po, iginigiit ni Congressman Cayetano ‘yan (term sharing) kasi he can see that Congressman Velas­co already has the num­bers,” aniya.

Inilinaw din ng mam­babatas na hindi umatras ang Marinduque repre­sentative sa ipinag­pi­pilitan ni Cayetano na term-sharing agreement dahil wala naman daw talagang napagka­sun­duan ang magkakaribal para sa posisyon at pi­nag­lipasan na rin ito ng panahon dahil iba na ang sinasabi ngayon ni Pre­sidente Rodrigo Duterte kaugnay ng karera para sa susunod na House speaker.

“Ang last na sinabi ni Presidente, mga kaibigan kong lahat ang mga kandidato, labo-labo na lang sila,” ani Pimentel.

Huli itong sinabi ng Pangulo sa isang oath taking event sa Palasyo nitong Biyernes.

Dagdag niya, simu­la’t simula’y klaro raw na sinasabi ni Presidente Duterte na hindi siya manghihimasok sa bak­bakan para sa susunod na lider ng Mababang Kapu­lungan ng Kongreso.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …