Saturday , November 16 2024

DAO, estriktong ipatutupad… DTI nagbabala vs substandard flat glass importers & manufacturers

MULING binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang flat glass manufacturers at importers na sumunod sa estriktong pamantayan sa kalidad ng kanilang mga produkto.

Sa inilabas ng DTI na Department Adminis­trative Order (DAO) nitong 6 Abril 2019, inaa­tasan ang pagtatakda ng Product Standard for Flat Glass sa buong bansa na naglalayong pairalin sa mga construction site ang paggamit ng mataas na uri ng salamin sa mga gusali.

Nagsanib-puwersa ang DTI at ang Bureau of Product Standard para lalo pang palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga kontraktor, importers at manu­facturers ng flat glass.

Ayon kay DTI-BPS director, Engr. James Empeno, patuloy ang paglakas ng construction sector sa bansa sa naka­raang tatlong taon kaya mas dapat maging agre­sibo ang ahensiya laban sa mga gumagamit ng mga substandard flat glass dahil inilalagay sa panga­nib ang mga mama­ma­yan.

Binigyang-diin ni Empeno, ang mataas na uri ng flat glass na weather-tested ay hindi basta nababasag ng hangin o anomang bagyo, lalo kung ito ay nakakabit sa mga sky scraper o mataas na mga gusali.

Nanawagan din ang DTI sa lahat ng stake­holders na sumunod sa DAO upang hindi mapa­tigil ang konstruksiyon ng kanilang mga building dahil lamang sa paggamit ng low quality flat glass.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *