Wednesday , December 25 2024
congress kamara

Velasco walang solidong suporta mula sa partido (LP, Makabayan Bloc sinuyo)

WALANG patid ang panunuyo ni Marinduque Rep. Lord Allan sa mga mambabatas mula sa ibang partido upang makuha ang kanilang boto, matapos makompirma na hindi solido ang kinaaniban niyang PDP-Laban, may 84 miyembro, sa kanyang kandidatura para sa Speakership.

Kahapon ay inianun­siyo nina PDP-Laban members representatives Doy Leachon, Johnny Pimentel, at Rimpy Bon­doc na nasa 40 miyem­bro ng partido ang pumirma sa Manifesto of Support para sa Speakership bid ni Velasco.

Samantala ang ibang miyembro nito na pa­wang senior congressmen ay nag-cross partylines para suportahan ang kandidatura ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, na mula sa Nacionalista Party.

Kinompirma ng Maka­bayan Bloc na kinausap sila ni Velasco, pero hindi isinapubliko ang mga pangako sa kanila maliban sa tiniyak na kung dati ay limitado ang oras ng oposisyon pag­dating sa mga debate, sa ilalim ng ba­gong liderato ay mas luluwagan umano ito.

Sa panig ng Liberal Party, sinabi ni Caloocan Rep. Edgar Erice na kinausap din sila ni Velasco. Aniya, hinihi­kayat sila ni Velasco na sumama sa Majority at isa sa posibleng ibigay sa kanila ay committee chairmanship para sa kanilang senior members.

Inamin ni Erice, hang­gang ngayon ay wala pang desisyon ang kani­lang partido sa Kamara kung sino ang susu­portahang Speaker. Bloc voting din ang gagawing pagboto ng LP na may 18 miyembro.

Ang Partylist Coali­tion Foundation Inc. (PCFI) na may 54  mi­yem­bro ay inaawitan din ni Velasco. Isa sa hini­hiling ng koalisyon sa susuportahan nilang Speaker ay makuha muli ang 32 puwesto sa Kama­ra na kanilang hawak sa nakaraang 17th Congress.

Sinasabing kapalit din ng suporta ng PCFI ang pagla-lobby ni 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero na maging House Majority Leader sakaling si Velasco ang hirangin na House Speaker, pero tinututulan ito ng senior district ongressmen.

Sinabi ni Erice, kara­niwang nakareserba ang posisyon ng Majoity Leader sa mga abogado at sa mga well-versed na sa House Rules dahil matagal nang miyembro ng House of Represen­tatives.

Bukod kay Velasco, sinasabing nanunuyo rin si Leyte Rep. Martin Ro­mualdez ng mga kapwa mambabatas. Una nang sinabi ni outgoing Que­zon Rep. Danilo Suarez na may 153 congressmen ang lumagda sa mani­festo of support sa kan­didatura ni Romualdez ngunit wala namang nagkokompirma nito.

Ang National Unity Party na may 25 miyem­bro at ang Nacionalista Party na may 42 miyem­bro ang nauna nang nagpahayag ng kanilang susuportahang Speaker, napili ng partido, na boboto sa pamamagitan ng bloc voting, si Caye­tano.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *