Wednesday , December 25 2024

Velasco speaker wannabe na ‘boy sakay’ (Political pickpocketing immoral — Castro)

TAMEME si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa panibagong bansag na ‘Boy Sakay’ dahil sa kapuna-punang paggamit at pag-angkas niya sa mga event ng Malacañang at maging ni Senator-elect Bong Go para sa kanyang pangangampanya sa Speakership.

Ilang mamamahayag ang nagtangka na hingan ng reaksiyon si Velasco ukol sa nasabing isyu ngu­nit sa kabila ng pa­ulit-ulit na text at tawag ay hindi sumasagot ang mambabatas.

Unang kumalat ang text blast mula sa tangga­pan ni Velasco para sa mga kongresista na naka­saad: “Good Evening Congressman, This is from the Office of Cong. Lord Allan Velasco. We were requested to help coordinate for the Mass Oath-taking of newly elected officials with PRRD next week, June 25, 2019 (Tuesday), 5:15pm, at Rizal Hall, Mala­cañan.”

Ang nasabing event ay para sa mass oath taking ng supporters ni Go pero nag-iimbita si Velasco ng mga mam­babatas.

Tinawag na immoral at highly indecent ni House Majority Leader Fredenil Castro ang ginagawang “political pickpocketing” ni Velasco.

Ani Castro, malinaw na self-serving para sa political interest niya sa Speakership race ang mag-imbita ng mga mam­babatas sa isang okasyon ng Malacañang na hindi naman sila talaga imbi­tado.

“To grab, snatch, or hijack the limelight of those who are scheduled to take their oath, including lawmakers, and the honor of the President administering the oath for self-serving political purpose is highly immoral if not highly indecent,” pahayag ni  Castro.

Paalala niya sa Speaker wannabes, huwag maki-ride o gami­tin ang event ni Pangu­long Duterte para sa kanilang political agenda.

Unang lumutang na si Velasco ang nag-sponsor ng dinner kama­kailan sa Malacañang na dinaluhan ng mga mam­babatas ngunit lumabas na sponsor ni incoming Da­vao Rep. Pulong Du­ter­te.

Pinuna rin ng ilang mambabatas ang pala­giang pagpapalabas ni Velasco ng mga retrato kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga event sa loob at labas ng bansa, gaya ng pinakahuli sa Asean Meeting sa Thailand.

Ang estilo ng pagsa­kay sa events ng Mala­cañang ni Velasco ay pinupulaan ng mga mam­babatas.

Kung ikokompara kina Leyte Rep. Martin Romualdez at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na pawang kandidato rin sa Speakership na nag­karoon din ng pagpu­pulong kasama ang ilang mga mambabatas pero sila ang mismong nag-organisa habang ang mga pagtitipon na dinaluhan na kasama si Pangulong Duterte ay pawang official functions.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *