Wednesday , April 23 2025

Ex-Rebel soldier bagong hepe ng PhilHealth

ISANG dating rebeldeng militar ang napili ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte upang mamuno sa Philhealth.

Kinompirma ni senator-elect Christopger “Bong” Go na aprobado ni Pangulong Duterte ang appointment ni retired Army General Ricardo Morales bilang acting president at chief exe­cutive officer ng Phil­health.

Pinalitan ni Morales si Dr. Roy Ferrer na pinag­sumite ng courtesy resig­nation ng Palasyo maging ang lahat ng board members ng Philhealth matapos mabunyag ang bilyon-bilyong ghost dialysis claims sa ahen­siya.

Si Morales, dating miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) ay nauna nang itinalaga ni Duterte bilang member ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System’s Board of Trustees noong naka­raang buwan para sa binakanteng puwesto ni Reynaldo Velasco na mag­tatapos ang termino sa 30 Hunyo.

Nang magretiro sa militar noong 2009 ay nagsilbi si Morales bilang opisyal ng Armed Forces and Police Mutual Benefit Association Inc.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas …

Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *