Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Multi-awarded actor/director Eddie Garcia pumanaw na

PUMANAW na ang multi-awarded at bete­ra­nong aktor na si Eduardo “Eddie” Gar­cia sa Makati Medical Center kahapon ng hapon.

Sa inilabas na Medical Bulletin No. 6, ni Artemio Cabrera Salvador,  Division head ng Patient Relation Department – Quality Management Division, binawian ng buhay dakong 4:55 pm si Eduardo Verchez Gar­cia sa tunay na buhay,  edad 90 anyos.

Dalawang linggo nang nakaratay at ino­obserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) si Gar­cia nang mapatid sa cable wire sa kala­git­naan ng taping sa Maynila noong 8 Hunyo ng hapon.

Ipinahayag ng mga doktor ni Garcia, napu­ru­han ang kanyang cervical spine na nauwi sa comatose.

Labingtatlong araw nanatili sa ICU ang bete­ranong acktor hang­gang tuluyang bawian ng buhay.

Samantalam ayon kay Dr. Tony Rebosa, tagapagsalita ng pa­mil­ya Garcia, patuloy na inaayos ang labi ng aktor kung saan ibubu­rol at kailan ililibing ng kanyang pamilya.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …