Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amenities, facilities sa transport terminals iniutos ni Duterte

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nag-uutos sa lahat ng transport terminal sa buong bansa na magkaroon ng malinis na palikuran, breastfeeding stations, at libreng wi-fi service para sa mga pasahero.

Nakasaad sa Republic Act (RA) 11311 na nilag­daan ni Duterte noong 17 Abril 2019, na obligado ang mga may-ari, operators at adminis­trators ng land transportation terminals, stations, stops, rest areas, at roll-on/roll-off o RORO terminals na ayusin ang kanilang mga pasilidad sa pamamagitan nang pag­bibigay ng libreng internet services at malinis na sanitary facilities.

“It shall be unlawful to collect fees from pas­sengers for the use of regular sanitary facilities,” ayon sa batas.

Upang makagamit ng libreng pasilidad, kaila­ngan ipakita ng pasa­hero ang kanyang bus ticket.

Ang may-ari ng terminal na lalabag sa batas ay pagbabayarin ng P5,000 multa kada araw.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …